Home NATIONWIDE Imbestigasyon sa flood control projects itutuloy ng Senado kahit may independent body

Imbestigasyon sa flood control projects itutuloy ng Senado kahit may independent body

257
0
Sitwasyon ngayon sa plenaryo ng Senado matapos magtalo ang ilang senador kung saang kustodiya dapat manatili si dating Bulacan 1st district assistant engineer Brice Hernandez.Iminungkahi ni Senador Rodante Marcoleta na agad na ibalik si Hernandez sa Senado hindi dahil ito ang kondisyong ibinigay sa kanya kundi upang alisin ang pananaw na kapag nandito siya sa Senado ay hindi siya ligtas. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III nitong Biyernes, Setyembre 12 na magpapatuloy ang Senate blue ribbon committee sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects sa kabila ng pagkakalikha sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).

“[House of Representatives] might terminate. Not the Senate. We will continue in aid of legislation,” sinabi ni Sotto.

Ang blue ribbon committee, na ngayon ay pinamumunuan na ni Senador Panfilo Lacson ay nagsasagawa ng motu proprio inquiry in aid of legislation sa “The Philippines under Water” at privilege speech ni Lacson kaugnay sa mga iregularidad sa flood control projects sa ilang bahagi ng bansa.

Itinakda ang susunod na pagdinig sa Huwebes, Setyembre 18.

Sa kabilang banda, ang Kamara ay nagsagawa rin ng sariling imbestigasyon sa naturang isyu.

Matatandaan na nag-isyu si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order No. 94 na lumilikha sa ICI at mag-iimbestiga at magsasagawa ng kaukulang aksyon laban sa mga sangkot sa iregularidad sa government infrastructure projects.

Ang independent body ay may kapangyarihan na mag-isyu ng subpoena para sa pagdalo ng mga witness, at produksyon ng mga dokumento kung kinakailangan para sa fact-finding and investigation activities nito, partikular ang subpoena ad testificandum at duces tecum na naaayon sa mga kaukulang batas, panuntunan at regulasyon.

Maaari rin itong magrekomenda sa Department of Justice (DOJ) sa pagtanggap sa isang tao bilang state witness sa mga pagkakataong kailangang magkaroon ng state witness, upang masiguro na maibibigay ang buong hustisya at mapananagot ang mga sangkot sa anomalya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here