Manila, Philippines – Kung nagkataon pala’y hindi lang ang mga panayam nina Korina
Sanchez at Julius Babao ang nasilip kundi maging sa respective vlogs ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.
Matatandaang Korina’s interview with Sarah Discaya on Rated K and Julius’ on Unplugged opened the floodgates para imbestigahan ang pinag-ugatan ng lavish lifestyle ng pamilya Discaya.
Supposedly, magkakaroon din sana ng separate interviews ang Gonzaga sisters.
Kaso’y balitang hindi daw pumayag ang magkapatid.
But had Toni and Alex agreed, magkaiba naman tiyak ang handle nila sa panayam na ‘yon.
Between Toni and Alex, ‘di hamak na may sustansya ang sa una.
With Alex, expect na “babalahurain” lang niya ang kanyang subject.
Huwag nang hanapan ng lalim ‘yung kay Alex kundi for fun lang.
Samantala, muntik na rin palang sumalang ang Discaya couple kay Small Laude.
Balitang P2M ang ihahatag ng mag-asawa in exchange for their interview — bagay na tinabla raw ni Small.
P2M? Barya lang ‘yon sa mag-asawa, ‘no! Ronnie Carrasco IIi