Home HOME BANNER STORY DOST: Satellite, drone system magagamit sa pag-monitor ng flood control projects

DOST: Satellite, drone system magagamit sa pag-monitor ng flood control projects

395
0

MANILA, Philippines – Maaaring gamitin ng Pilipinas ang Digital Information for Monitoring and Evaluation (DIME) system ng Department of Science and Technology (DOST) upang subaybayan ang pagpapatupad ng ilang proyektong pang-imprastraktura, sinabi ng isang opisyal noong Huwebes.

Maaaring gamitin ng gobyerno ang DIME project “satellites, drones, and geotagging in monitoring the status, program, and activities of big-ticket government projects to ensure that public funds are well-spent.”

Ginagamit ng gobyerno ang sistema para subaybayan ang ilang proyekto sa patubig at pagtatanim ng puno, sabi ni Dr. Enrico Paringit, executive director ng Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development ng DOST.

“Makikita na natin ngayon nang diretsahan kung magkakaroon na ng discrepancy,” aniya.

“Nagkakaroon tayo ngayon ng mga visual at scientific evidence na maaaring ihambing. Halimbawa mayroon nang accomplishment report, ibabangga natin sa plan at disenyo,” dagdag niya.

Ang teknolohiya ay ginamit sa panahon ng rehabilitasyon ng Boracay at Marawi, ani Paringit.

“Ang isang advantage nito ay mas mura at mas transparent ang verification kumpara sa tinatawag na manual inspection kaya napapalakas din nito yung evidence based decision making para mapatunayan kung nagawa ba talaga yung proyekto,” aniya.

“Makikita mo rin dito kung sino yung masipag, yung nag-ooverperform,” dagdag niya.

Habang pinirmahan ni Marcos ang isang executive order upang bumuo ng isang Independent Commission for Infrastructure, hindi pa pinangalanan ng Pangulo ang mga miyembro ng panel, na may tungkuling mag-imbestiga sa mga kaduda-dudang proyektong ito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here