MANILA, Philippines – ‘House will never be a sanctuary for corruption’ Ito ang pahayag ni House Speaker Martin Romualdez kasabay ng pagbibvigay ng buong suporta sa binuong Independent Commission for Infrastructure (ICI).
“I fully support the President’s decisive move in signing Executive Order No. 94, creating the [ICI]. This shows our shared resolve to confront irregularities and strengthen public trust in government projects,” pahayag ni Romualdez.
Aniya, ang ICI ang angkop na tugon sa mga alegasyon ng iregularidad sa mga flood control program.
Tiniyak ni Romualdez na makikipagtulungan ang Kamara sa ICI upang lumabas ang katotohanan at mapanagot ang mga may sala kasabay ng paglalatag ng reporma upang mas mabantayan ang pondo ng bayan.
“Hustisya ang hangad ng taumbayan, hindi palusot. Kaya’t kailangan natin ng isang independent, patas at masusing imbestigasyon. ‘Yung walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, at tanging katotohanan lamang ang isinusulong,” giit niya.
Nagbabala ito na sinumang miyembro ng Kongreso na masasangkot sa imbestigasyon ay dapat managot.
“If the Commission’s investigation finds that some Members of the House conspired with public works officials in anomalous projects, I assure the Filipino people: the House under my leadership will never be a sanctuary for corruption,” pagtatapos pa ni Romualdez. /Gail Mendoza