Home NATIONWIDE DOJ humingi ng rekonsiderasyon sa bail grant kay ex-Rep Arnie Teves Jr....

DOJ humingi ng rekonsiderasyon sa bail grant kay ex-Rep Arnie Teves Jr. sa kasong murder

300
0

MANILA, Philippines – Maghahain ang Department of Justice (DOJ) ng mosyon para isaalang-alang ang desisyon ng trial court na nagbigay ng piyansa kay dating Negrs Oriental 3rd District Rep. Arnolfo ‘Arnie” Teves Jr. sa isa sa kanyang ilang kaso ng pagpatay.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOJ na ang kaso ni Teves ay nagsasangkot ng napakaseryosong alegasyon ng karahasan at mga gawaing terorista at ang pagpaya sa kanyang paglaya ay magdulot ng isang malubha at napipintong panganib sa publiko.

Inilabas ang pahayag ng DOJ matapos maglabas ng kautosan si Judge Renato Enciso ng Manila Regioal Trial Court Branch 12 na pinagbigyan ang bail petition ni Teves.

Sinabi ng DOJ na “ang pagbibigay ng piyansa na ito ay magiging paksa ng matinding oposisyon ng ating mga tagausig.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here