Home HOME BANNER STORY Sunog sa Tondo, umabot sa Task Force Bravo

Sunog sa Tondo, umabot sa Task Force Bravo

378
0

MANILA, Philippines – Umabot sa Task Force Bravo ang sunog na sumiklab sa Tondo, Maynila nitong Sabado ng gabi, Setyembre 13.

Ayon sa ulat, umabot ng halos 10 oras ang sunog sa Barangay 105, Happyland.

Ayon kay Fire Senior Inspector Ronald Lim, Station 1 Commander ng BFP Manila, naging pahirapan ang pagresponde sa sunog dahil sa kulang na suplay ng tubig at maliliit na eskinita.

Idineklarang fire out ito 6:02 ng umaga, araw ng Linggo.

Tatlo ang nasugatan sa insidente, at walang naitalang nasawi o nawawala.

Patuloy na inaalam ng barangay ang bilang residenteng apektado at mga bahay na natupok.

Pansamantalang tumutuloy ang mga nasunugan sa covered gym ng barangay at mga paaralan sa paligid. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here