Home NATIONWIDE Solo bettor, paldo ng P26.9-M sa Lotto 6/42

Solo bettor, paldo ng P26.9-M sa Lotto 6/42

2
0

MANILA, Philippines – Isang maswerteng bettor ang nag-iisang nakakuha ng P26,912,539.06 jackpot prize sa Lotto 6/42 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 19.

Ayon sa PCSO, nakuha ng solo winner ang tamang kombinasyong 15-40-08-34-23-10 sa 9 p.m. draw.

Samantala, walang nakakuha ng P120,557,444.82 jackpot sa Superlotto 6/49 na may winning combination na 23-24-10-02-09-37.

Wala ring nanalo sa 6D Lotto na may jackpot na P9,422,122.80 at winning combination na 5-8-3-2-1-9.

Maaaring beripikahin ng mga bettor ang kanilang mga numero sa opisyal na website ng PCSO. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here