Home ENTERTAINMENT RR kay Sanya: Ipaayos mo ilong mo, ’di pantay!

RR kay Sanya: Ipaayos mo ilong mo, ’di pantay!

259
0

Manila, Philippines — Unsolicited advice.

Ito ang ibinigay ni RR Enriquez kay Sanya Lopez tungkol sa umano’y retokado nitong ilong.

Buong ningning na ipinost ni RR: “Ipaayos mo ang ilong mo, hindi pantay!”

Nilinaw naman niya sa pinatutungkulang si Sanya: “Hindi panlalait ito. Concerned lang ako!”

Sa ngayon, wala pang reaksyon ang Kapuso actress.

Minsan nang idiniin ni Sanya na she has nothing against those celebrities who undergo cosmetic surgery or procedures.

Personal niyang sinabi na hindi pa rin siya sumasailalim sa anumang operasyon, kahit breast augmentation, maliban sa dental procedure.

Ewan kung maglalakas-loob si Sanya na umamin kung sakaling nagpa-nose job siya.

Taliwas ito sa pag-amin ni Ynez Veneracion na kanya umanong naging “botched procedure.”

Sa mismong paglalarawan ni Ynez, nagmukha raw siyang witch sa ipinaretokeng ilong.

Na trulili naman!

—Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here