Home NATIONWIDE SOJ Remulla itinangging pumayag maging ‘state witness’ sina Discaya

SOJ Remulla itinangging pumayag maging ‘state witness’ sina Discaya

248
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes, Setyembre 15, na pumayag siya kay Senador Rodante Marcoleta na gawing state witness ang mag-asawang kontratista na sina Cezarah “Sarah” at Pacifico “Curlee” Discaya kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project.

“We do not create a state witness just like that since it has to go through a process of evaluation,” ani Remulla, na iginiit na ang Witness Protection Program lamang ang may kapangyarihan dito. “It cannot happen that way. We have to follow a process of evaluation.”

Nauna nang sinabi ni Marcoleta na pumayag si Remulla na isailalim ang Discayas sa WPP, pero giit ng kalihim, wala siyang ipinangako. “I hope he has a recording of our conversation… I cannot say I promised something I cannot deliver,” wika niya.

Dagdag pa ni Remulla, naghahanda na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng mga kaso kaugnay ng ghost projects sa Bulacan na nagkakahalaga ng P100 milyon hanggang P300 milyon, kung saan posibleng masampahan ng kasong plunder at malversation ang mga sangkot. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here