Home NATIONWIDE Paglikha ng Department of Sports, napapanahon na – Go

Paglikha ng Department of Sports, napapanahon na – Go

292
0

MANILA, Philippines – Suportado ni Senador Christopher “Bong” Go ang panukalang lumikha ng Department of Sports, aniya’y “napapanahon na” dahil sa napakaliit na bahagi ng pambansang budget para sa sports.

“Kung titingnan mo sa budget, napakaliit ng share ng sports… Napapanahon na po talaga,” pahayag ni Go sa unang pagdinig ng Senate Committee on Sports ng 20th Congress.

Binigyang-diin niya na ₱200 milyon lang ang inilaan sa Philippine Sports Commission (PSC) noong 2024, na kanyang itinulak para madagdagan sa ₱1.2 bilyon, at muli niyang ipinanukala ang ₱1.3 bilyon para sa 2025.

Ayon kay Go, ang dagdag na pondo ay magpapalakas sa paghahanda at pagsasanay ng mga atleta para sa pandaigdigang kompetisyon at susuporta rin sa grassroots sports. “Kapag nanalo sila, damay po ang buong bansa sa honor na dala nila,” aniya.

Kabilang sa mga ipinagmamalaking tagumpay sa ilalim ng kanyang pamumuno ang kauna-unahang Olympic gold ng Pilipinas sa Tokyo 2020 at ang dalawang gold medals sa Paris 2024. Giit niya, bunga ito ng sakripisyo at disiplina ng mga atleta na pinalakas ng suporta ng gobyerno.

Bilang chair din ng Senate Youth Committee, ipagpapatuloy ni Go ang pagtutulak sa grassroots sports para mailayo ang kabataan sa droga at bisyo habang pinauunlad ang susunod na henerasyon ng mga kampeon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here