Home METRO Marijuana nadiskubre sa Departure Area comfort room ng NAIA T2

Marijuana nadiskubre sa Departure Area comfort room ng NAIA T2

253
0

MANILA, Philippines – Nadiskubre ang isang plastic ng marijuana sa comfort room ng NAIA Departure Area Terminal 2 Martes ng gabi, Setyembre 16.

Ang paagkakadiskubre ng ilegal na droga ay agad na ipinagbigay alam sa NAIA Inter-Agency Drugs Interdiction Task Group (IADITG) na nagsagawa ng Interdiction Operation sa North Wing comfort room, Departure Area, NAIA Terminal 2, Pasay City.

Ayon sa IADITG, nadiskubre ang pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 49 gramo na nakabalot sa itim na plastic na nagkakahalaga P5,880 bandang alas 7:17 ng gabi.

Ang narekober na ilegal na droga ay dinala sa PDEA Laboratory Service para isailalim sa laboratory examination. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here