Home METRO Drainage master plan ng Maynila, ibinigay ni Yorme Isko kay PBBM

Drainage master plan ng Maynila, ibinigay ni Yorme Isko kay PBBM

287
0

MANILA, Philippines – Personal na itinurn-over o inilipat ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Drainage Master Plan ng lungsod, bilang suporta nito sa pagsisikap ng administrasyon na tugunan ang pagbaha sa kabisera ng bansa, nitong Huwebes Setyembre 18, 2025.

Ang nasabing Drainage Master Plan, na sinimulan noong unang termino ni Mayor Domagoso bilang alkalde noong 2021 at natapos bago siya bumalik sa City Hall noong 2025, ay nagbibigay ng siyentipiko at teknikal na balangkas upang matugunan ang patuloy na problema sa pagbaha sa Maynila.

Bukod sa Drainage Master Plan, ibinigay din ni Mayor Domagoso kay Pangulong Marcos ang operations plan ng lungsod para sa darating na September 21 mass protests sa Maynila.

Ang nasabing operations plan, na tinawag na “Oplan Pagmamahal sa Bayan,” ay nagdedetalye sa paglalagay ng Incident Command System sa lungsod, mobilization of health, disaster response, traffic, and public service personnel, at koordinasyon sa Manila Police District upang pangalagaan ang parehong mga karapatan ng mga nagpoprotesta at kaligtasan ng publiko.

Bilang tugon, sinabi ni Pangulong Marcos kay Mayor Domagoso na i-coordinate ang drainage master plan ng lungsod ng Maynila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA).

Tiniyak naman ng Alkalde sa Pangulo na handa ang pamahalaang lungsod na makipagtulungan sa pambansang administrasyon.

“Rest assured that the City Government of Manila stands ready to work with your administration in pursuit of sustainable development and the well-being of our people,” ani Domagoso.

Nabatid na unang nagtungo si Pangulong Marcos kasama si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa Walang Gutom Kitchen (WGK) sa Pasay City upang makasalo sa pananghalian ang ilang pamilya at indibidwal n kliyente ng WGK.

Matapos nito ay dumiretso ang Pangulo at si Sec. Gatchalian sa Antonio Villegas High School sa Tondo, kung saan pinangunahan ni Pangulong Marcos ang relief operations at emergency cash transfer pay out para sa mahigit 2,253 pamilyang naapektuhan ng sunog kamakailan sa Barangay 105, Happyland.

Kasama rin sa pagbisita nina Pangulong Marcos at Mayor Domagoso sina Vice Mayor Chi Atienza, Congressman Ernix Dionisio at si Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director Jay Reyes Dela Fuente. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here