Home NATIONWIDE DepEd nagsimula na sa pamimigay ng 172K MacBook sa mga titser

DepEd nagsimula na sa pamimigay ng 172K MacBook sa mga titser

8
0

MANILA, Philippines – Nagsimula na ang Department of Education (DepEd) sa pamamahagi nito ng mahigit 231,725 unit ng laptop, kabilang ang 172,000 unit ng MacBook Neo sa mga public school teacher.

Dinaluhan mismo nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Education Secretary Sonny Angara sa ceremonial turnover ng mga laptop sa Dagupan City National High School.

Sa ilalim ng DepEd Computerization Program, 10 paaralan sa Dagupan City ang tumanggap ng 209 Apple MacBook Neo laptops.

Ayon sa DepEd, 231,725 laptop ang naipamigay sa ngayon na binubuo ng 169,008 na MacBook Neo units at 62,717 na Windows- based laptops.

May karagdagan ding 3,646 MacBook Neo devices para sa administrative officers.

Sa speech, sinabi ni Angara na makatutulong sa pagpapagaan ng workload sa mga guro ang mga ipinamigay na laptop.

“Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, gusto nating ibigay sa ating mga guro ang pinakamahusay na tools at tamang training para mapadali ang paggawa nila ng lesson plans o reports at mas makapag-focus sila sa pagtuturo,” ani Angara.

“Kapag namuhunan tayo sa ating mga guro at ibinigay ang pinakamaganda, mas naibibigay rin nila ang buong puso nila para sa kinabukasan ng ating mga kabataan,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here