Home ENTERTAINMENT Ogie, may panawagan sa anti-corruption rally!

Ogie, may panawagan sa anti-corruption rally!

292
0

Manila, Philippines – Kaisa ang talent manager cum content creator na si Ogie Diaz sa panawagang makilahok sa dalawang malawakang rally sa September 21, Linggo.

Ang petsa’y itinaon sa ika-53 anibersaryo ng proklamasyon ng Martial Law noong rehimeng Marcos.

Dubbed as Bilyong Piso March, ang una’y gaganapin sa Luneta, alas 9 nang umaga.

Inaasahang lalahukan ito ng mga activist groups at estudyante sa buong bansa.

Ang ikalawa namang rally ay tinawag sa social media bilang Trillion Peso March.

Ang mga sasapi naman dito’y mga Catholic at Protestant church leaders na idaraos sa People Power Monument sa Quezon City.

Layunin ng dalawang malawakang rally ang pagkundena sa korapsyon sa bansa bunsod ng mga natuklasang anomalya sa mga flood control projects ng pamahalaan.

Sa isang maikling video, hinikayat ni Ogie na makilahok ang mga mamamayan: “Welcome po dito ang lahat. Walang kulay-pulitika ito.

Walang Pinklawan, walang Dilawan, walang DDS. Magsama-sama po tayong lahat para supilin ang laganap na katiwalian sa ating gobyerno!”

May nagpadala ng birong message kay Ogie mula sa showbiz press na ikinatawa lang niya.

The message read: “Teh, may envelope ba?”

Kinasanayan na kasi na may “relevance” o pakimkim sa mga showbiz event, kapalit ng publisidad para paingayin ang ipino-promote na proyekto.

Inaasahan namang hindi palalampasin ng mga taga-showbiz industry ang rally na magaganap.

Isa na nga ang tiyak na dadalo na si Geneva Cruz who had to call off her Music Museum concert on that day, citing the need to heed her moral compass. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here