Manila, Philippines – Hindi lang basta aktor si Gardo Versoza.
Umaasa rin siya na mapabilang sa mga catalyst na magsusulong ng pagbabago sa ating pamahalaang batbat ng korapsyon.
Si Gardo–o Cheesecake kung i-address–ang dumagdag sa humahabang talaan ng mga bituin sa showbiz na lantarang kumokundena sa korapsyon bunsod ng mga flood control projects.
Sa kanyang Instagram page, ipinakita ni Gardo ang kanyang galit sa pamamagitan ng pagsusuot ng itim na T-shirt na may nakasulat na: “Proud to be Filipino…Ashamed of my Government.”
Mapapansing naka-highlight ang salitang “ashamed.”
Si Gardo ang dumagdag sa public outrage calling out the nation’s systemic corruption, kasabay ng paghingi ng accountability mula sa mga taong dapat managot.
Huwag kang mag-alala, Gardo…iisa lang ang laban ng bawat Pilipino! Ronnie Carrasco III