Home ENTERTAINMENT Direk Darryl, may pantapat kay Vice sa pagkapangulo!

Direk Darryl, may pantapat kay Vice sa pagkapangulo!

311
0

Manila, Philippines – Seryoso o biro lang?

Maitatanong ng sinumang netizen kung seryoso ba o nagbibiro lang ang direktor na si Darryl Yap sa kanyang ipinost sa Facebook.

Direktang sagot kasi ‘yon sa ideya ng kapwa direktor na si Lav Diaz who thinks that Vice Ganda is the strong contender to be pitted against VP Sara Duterte na balitang tatakbo bilang Pangulo sa 2028.

Seryoso ang pagkakasabi ni Lav sa kanyang rekomendasyon, na tanging si Vice Ganda lang ang maaaring tumalo kay Sara.

Taliwas naman ito sa pananaw ni direk Darryl.

Aniya, itatapat daw niya si BB Gandanghari para ilaban sa It’s Showtime host.

Nilakipan pa ni Darryl ng art card ang kanyang FB post na may kaugnayan sa pasaring ni BB kay Vice Ganda bilang resbak sa pang-ookray ng hull ilang taon na ang nakakaraan.

Dagdag pa ni Darryl, magandang kunin ni BB bilang spokesperson si Cristy Fermin.

Alam ng lahat na warla-warla sina Vice Ganda at Cristy.

Obyus namang nang-eechos lang ang post ni Darryl na kilalang may sariling pananaw sa pulitika.

Samantala, naniniwala si Lav na maituturing na icon si Vice Ganda ng pop culture sa ngayon, kaya malakas ang hatak nito para madiskaril ang presidential ambition ni Sara. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here