Home METRO Campus walkout pag-aalabin ng iskolar ng bayan sa Bulacan

Campus walkout pag-aalabin ng iskolar ng bayan sa Bulacan

327
0

BULACAN, Philippines – Handang-handa na ang mga iskolar ng bayan sa nakatakdang campus walkout sa Bulacan State University (BulSu) para maglabas ng kanilang saloobin kaugnay sa maanomalyang “flood control scam”.

Isasagawa ang paglabas ng mga estudyante sa kanilang silid-aralan sa loob ng kampus ngayong Setyembre 19.

Ilalabas umano ng mga iskolar ng bayan ang kanilang lakas at puwersa para isigaw ang kanilang saloobin patungkol sa mga hinaing sa gobyerno at mga pulitiko sa kasagsagan ng flood control anomalies.

Samantala, tiniyak naman sa publiko ng Bulacan Police Provincial Office sa pamumuno ni Provincial Director PCOL Angel Garcillano na nakahanda sila para mapanatili ang peace and order sa nakatakdang campus walkout sa BulSu.

Nabatid na handa rin ang pulisya sa lalawigang ito sa nakatakdang malawakang rally kontra kurakot sa darating na Setyembre 21, na ayon sa impormasyon ay dadaluhan ng mga iskolar ng bayan at ng mamamayang Bulakenyo.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na ang pulisya sa Local Government Units para sa traffic updates at sa iba pang ahensiya gaya ng Bureau of Fire Protection para sa safety and security of the public sa nasabing aktibidad. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here