MANILA, Philippines – Umapela ang Independent Electoral Monitoring Council (IEMC) sa Korte Suprema, Commission on Elections, at Bangsamoro Transition Authority na agad maresolba ang isyu sa BAA 77 para matuloy ang halalan sa itinakdang petsa, o sa lalong madaling panahon.
Nauna rito nagpahayag ng suporta ang IEMC sa naging desisyon ng Comelec na ipahinto muna ang paghahanda para sa halalan sa Oktubre 13, habang hinihintay ang paglilinaw ng Korte Suprema sa bisa ng nasabing batas.
Ayon sa IEMC, tama ang Comelec na walang malinaw na legal na batayan ang BAA 77 o ang dating BAA 58 para ituloy ang parliamentary district elections sa BARMM.
Binigyang-diin ng IEMC na ang paulit-ulit na pagpapaliban ng halalan sa BARMM ay nakakasira sa tiwala ng publiko at sa integridad ng proseso ng halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden