Home NATIONWIDE Same-day release ng OR, CR, plaka sa mga bagong sasakyan, plano ng...

Same-day release ng OR, CR, plaka sa mga bagong sasakyan, plano ng LTO

316
0

MANILA, Philippines – Plano ng Land Transpotation Office (LTO) na magpatupad ng polisiya kung saan ilalabas ang mga plaka, opisyal na resibo at certificate of registration (OR/CR) ng mga motorsiklo sa parehong araw ng pagbili nito.

Sa isang pahayag, sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza II na naglabas siya ng memorandum circular sa guidelines para sa parehong araw na pagpaparehistro at pagpapalabas ng mga plaka at OR/CR para sa mga bagong motorsiklo na ipatutupad sa buong bansa.

Inaasahang magkakabisa sa Oktubre 15 ang circular, maliban kung pinalawig ng kasunod na pagpapalabas.

Agad din itong ibababa sa lahat ng opisina ng distrito ng LTO gayundin sa mga nagbebenta o dealer ng mga motor vehicles at motorsiklo, sinabi ni Mendoza.

Ayon kay Mendoza, ang patakaran ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tiyaking makukuha ang mga plaka at OR/CR sa loob ng tatlong araw.

Sa bagong patakaran, layunin ng LTO na maiwasang maulit ang backlog ng mga plaka, na binanggit na katatapos lang nitong gumawa ng 12 milyong plaka noong Hunyo upang malutas ang 11-taong backlog. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here