Home NATIONWIDE DOJ sa nais tumestigo sa anomalya sa flood control projects: Magsabi ng...

DOJ sa nais tumestigo sa anomalya sa flood control projects: Magsabi ng totoo, ‘wag manggulo

309
0

MANILA, Philippines – HINIMOK ng Department of Justice (DOJ) ang sinuman na plano o nais maging testigo sa maanomalyang flood control projects na siguruhing magsasabi sila ng katotohanan

Ito ay upang makatulong umano at hindi para iligaw o guluhin lang ang nagpapatuloy na imbestigasyon.

Ayon kay DoJ spokesman at Assistant Secretary Mico Clavano, isang pribilehiyo lamang sakaling mabibigyan ng proteksyon at maaaring bawiin kung mapapatunayan na ang kanilang pahayag ay nagbibigay ng maling impormasyon at iligaw lamang ang imbestagasyon.

“Ang basehan namin ay sworn statements at mga salaysay, affidavits, if there any statements taht are untruthful then we can also sue for perjury,” pahayag ni Clavano.

Pero aniya, umaasa pa rin ang DOJ na magiging matapat ang mga tatayong testigo.

Nilinaw din ni Clavano na kapag state witness kasi ay dapat mayroon na talaga silang kaso sa korte at nasa ilalim na sila ng hurisdiksyon ng hukuman. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here