Home NATIONWIDE Mangingisda na naaksidente sa kasagsagan ng malakas na alon sa Zambales, tinulungan...

Mangingisda na naaksidente sa kasagsagan ng malakas na alon sa Zambales, tinulungan ng PCG

287
0

MANILA, Philippines – Agad tinugunan at tinulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang 32-anyos na mangingisda mula sa Subic, Zambales na naaksidente sa kasagsagan ng malalakas na hampas ng alon sa kanilang banca.

Alinsunod ito sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tiyakin ang kaligtasan ng mga mangingisda sa mga katubigan ng Pilipinas.

Ayon sa PCG, agad na lumipat sa BRP Gabriela Silang ang mangingisda kung saan tinugunan ng Coast Guard Medical at Nursing Service ang pamamaga ng kanyang katawan.

Matapos magamot, ligtas na nakabalik sa kanyang bangka at ipinagpatuloy ang pangingisda dahil nagtamo lamang ito ng minor injury sa kanyang binti.

Ang insidente ay patunay ng patuloy na pagtupad ng PCG sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang kaligtasan ng ating mga mangingisda at palakasin ang presensya sa ating karagatan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here