Home NATIONWIDE 95 bagong Marine Officers, nanumpa sa MARINA

95 bagong Marine Officers, nanumpa sa MARINA

343
0

MANILA, Philippines – May karagdagan nang opisyal ang Maritime Industry Authority (MARINA) matapos manumpa ang 95 bagong marine deck at engineer officers sa ika-apat na quarterly oath taking ceremony ng ahensya.

Pinangunahan ng MARINA STCW Office’s Examination and Assessment Division (EAD) at ng Board of Examiners (BOE) ang seremonya.

Kabilang sa mga nanumpa ang 60 officers mula sa Deck Department at 35 mula sa Engine Department.

Ayon kay STCW Office Executive Director Samuel L. Batalla, kilala ang mga seafarers na Pilipino sa buong mundo dahil sa kanilang galing, professionalism, at dedikasyon.

Hinimok naman ni Capt. Ronald SJ. Enrile ang mga bagong officers na harapin ang mga hamon nang may integridad at sundin ang mga regulasyon.

Pinangunahan nina Capt. Danilo G. Arevalo at Chief Engr. Reynaldo S. Rabino ang panunumpa.

Ipinapakita ng MARINA sa seremonyang ito ang kanilang commitment sa pagkilala sa mga bagong marine officer at ang kanilang responsibilidad sa kaligtasan sa dagat at pangangalaga sa marine environment. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here