MANILA, Philippines – Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order (EO) 96 na naglilipat sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) mula sa Office of the President patungo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Layon ng EO na “palakasin ang mga polisiya at programa para sa senior citizens, upang mapahusay ang serbisyong panlipunan at mapangalagaan ang kapakanan ng mga nakatatanda.”
Mananatili sa DSWD ang pamamahala ng Social Pension for Indigent Senior Citizens, katuwang ang NCSC para matiyak ang matagumpay na pagpapatupad.
Itinatag ang NCSC noong 2019 para sa kapakanan ng mga nakatatanda, habang noong 2022 ay itinaas sa ₱1,000 kada buwan ang social pension para sa indigent seniors mula sa dating ₱500. Santi Celario