Home NATIONWIDE CBCP sa publiko: Makiisa sa EDSA mass action vs korapsyon

CBCP sa publiko: Makiisa sa EDSA mass action vs korapsyon

240
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mananampalataya na makiisa sa “Trillion Peso March” sa EDSA People Power Monument ngayong Linggo. Ayon kay CBCP president Cardinal Pablo Virgilio David, ang pagtitipon ay “hindi isang political spectacle” kundi isang moral na paninindigan.

“It is a moment of prayer, solidarity, and action against the entrenched culture of corruption that robs our people of dignity, deepens poverty, and betrays our future,” aniya. Dagdag pa niya, layunin ng pagkilos na “palakasin ang ating demokrasya,” hindi ang magpatalsik.

Hinimok din ng CBCP ang pagsasagawa ng prayer rallies sa labas ng Maynila at nanawagan sa Kongreso na pabilisin ang imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here