USA – Nilagdaan ni US President Donald Trump ang proklamasyon na magpapataw ng $100,000 taunang bayad sa H-1B visa applications, bahagi ng mas mahigpit na immigration policy ng kanyang administrasyon.
Ang H-1B ay para sa highly skilled foreign workers na maaaring magtrabaho sa US nang hanggang tatlong taon. Sa 2025, higit 70% ng benepisyaryo nito ay mula India.
Ayon kay Commerce Secretary Howard Lutnick, layon ng mataas na fee na hikayatin ang mga kumpanya na mag-hire ng mga Amerikano.
“Train Americans. Stop bringing in people to take our jobs,” aniya.
Kasabay nito, inilunsad din ni Trump ang $1 milyon na “Trump Gold Card” visa na may fast-track pathway sa citizenship, habang maaaring mag-sponsor ang mga kumpanya ng aplikante sa halagang $2 milyon.
Binalaan ng mga kritiko na posibleng makasama ito sa competitiveness ng US tech sector at hamunin sa korte, dahil karaniwang ang Kongreso ang nagtatakda ng visa fees. RNT