Home NATIONWIDE Mas marami pang sibakan at kaso sa flood control anomaly, ibinabala ni...

Mas marami pang sibakan at kaso sa flood control anomaly, ibinabala ni Dizon

262
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na mas marami pang opisyal ang sisibakin at kakasuhan kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Sa nakalipas na dalawang linggo, tatlong executive na ang natanggal, 17 ang nasuspinde, at 26 ang kinasuhan dahil sa ghost at substandard projects sa Bulacan. Isang undersecretary rin ang nagbitiw ng courtesy resignation.

“Nagsisimula pa lang tayo, mula taas hanggang baba kailangang managot,” ayon kay Dizon, na nagbabala ring posibleng may kaparehong anomalya sa ibang bahagi ng bansa. Nangako siyang magpapatupad ng asset freeze, maghahain ng non-bailable cases, at pananagutin pati pribadong indibidwal na kasabwat.

Aminado siyang may pangamba ang publiko: “Hindi natin sila masisis. Nakita na natin itong story na ito noong nakaraan. But I’m comforted with the words of the President that no one involved in the corruption will be spared.”

Dagdag niya, hindi siya makikilahok sa mga protesta sa EDSA at Luneta, “But in spirit, we support them.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here