Home NATIONWIDE ‘Mga sakim durugin na!’ Protest song ni VP Sara, inihandog sa kaarawan...

‘Mga sakim durugin na!’ Protest song ni VP Sara, inihandog sa kaarawan ni PBBM

324
0

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Vice President Sara Duterte na nagsulat siya ng protest song laban sa kasakiman at katiwalian bilang “regalo” sana sa ika-68 kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Setyembre 13.

Ibinahagi niya ang kantang “Mga sakim, durugin na” sa harap ng Filipino community sa Tokyo noong Setyembre 20, matapos niya itong buuin sa loob ng mahigit dalawang linggo.

Sa kanta, inilarawan niya ang mga Pilipinong nagdurusa habang ang mga sakim ay nalulunod sa yaman, at nananawagan ng pagkakaisa para lumaban.

Sa kaniyang talumpati, binanatan din niya si Marcos: “Non-stop ang pambubudol at sobrang kapal ng mukha na parang hindi na nahihiya na binubudol yung mga Pilipino.”

Ang kanyang pahayag at pagtatanghal ay naganap isang araw bago ang malawakang protesta laban sa korapsyon na kasabay ng anibersaryo ng Martial Law.

Narito ang kabuuan ng kanta:

Sa dilim tayo sinilang,

Sa hirap tayo nagdurusa,

Sagana sila sa kayamanan.

Taong bayan nilunod sa parusa.

Kami ay apoy na hindi mapatay.

Hakbang nang matapang sabay-sabay.

Sigaw ng bayan, lumaban na.

Mga sakim, durugin na!

Mga bulok na pangako, palasyong ipinatong sa ating buto.

Krimeng itinago sa kasinungalingan.

Kalayaan natin ipinagpalit sa ginto.

Kami ay apoy na hindi mapatay.

Hakbang nang matapang sabay-sabay.

Sigaw ng bayan, lumaban na.

Mga sakim, durugin na!

Kami ay apoy na hindi mapatay.

Hakbang nang matapang sabay-sabay.

Sigaw ng bayan, lumaban na.

Mga sakim, durugin na!

Taas noo humahakbang, huwag yumuko kailanman.

Taas noo humahakbang, huwag yumuko kailanman.

Taas noo humahakbang, huwag yumuko kailanman.

RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here