Home ENTERTAINMENT Sarah at Barbie, nagkita, nagdedmahan!

Sarah at Barbie, nagkita, nagdedmahan!

270
0

Manila, Philippines – Malutong ang pagaspas ng mga balita na dinedma raw ni Sarah Lahbati si Barbie Imperial nang magkita sila sa birthday ng isang beauty expert kamakailan.

Ang tsika, nagtagpo raw ang kanilang mga paningin pero parang wala raw umanong nakita si Sarah.

Sa kaso naman ni Barbie, dedmatic din siya dahil nag-enjoy naman siya in the company of friends na kasama niya sa nasabing pagtitipon.

Well, hindi naman ito nakapagtataka kung may air of awkwardness sa pagitan ng dalawa.

Public knowledge naman kasi na si Barbie ang girlfriend ngayon ng dating hubby at ex ni Sarah na si Richard Gutierrez.

May mga nang-iintriga nga na kaya na-fall ang aktor kay Barbie ay may features ang aktres na kamukha ni Sarah.

Anyway, ito naman ang naging reaksyon ng kibitzers nang mapag-usapan ang dedmahan isyu nila sa isang portal.

“What do you expect? Maging chummy-chummy sila sa isa’t-isa?”

“Sa palagay ko, naka-move on na rin si Sarah sa naging hiwalayan nila ni Chard.”

“As far as I know, okey naman ang parenting agreement nina Sarah at Tsard.”

“Di ba may boyfriend na rin si Sarah kaya quits na sila ni Chard?”

“Obvious namang nag-iwasan sila.”

“Kung magkita nga sila, eh, ano naman ang pag-uusapan nila. Si Chard, hehe.”

“Past is past. Let them be.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here