Home NATIONWIDE Mga menor de edad nagpasiklab ng marahas na protesta sa Mendiola –...

Mga menor de edad nagpasiklab ng marahas na protesta sa Mendiola – Remulla

289
0

MANILA, Philippines – Karamihan sa mga nakamaskarang indibidwal na nambato at nanakit sa Ayala at Mendiola sa anti-corruption protest ay mga menor de edad, sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla.

Ayon kay Remulla, sa inisyal na impormasyon ay binalak ng mga kabataan na mapasok ang perimeter upang maabot ang Malakanyang at sunugin ito.

Ngunit naitaboy naman ang mga kabataang ralyista at ang ilan ay binitbit ng pulisya.

Samantala, sugatan naman ang reporter ng DZBB na si Manny Vargas nang tamaan ng bato habang nagrereport ng insidente via Facebook Live.

Nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development ang mga minors na sasailalim din sa imbestigasyon.

“Hindi pa namin verified pero mukhang 15 to 17 yrs old ang mga agitators. It came to a point na nagbabatuhan na ng Molotov,” sabi ni Remulla.

Sa kabila nito, bagamat pinagbabato aniya ang mga pulis ay pinanatili pa rin ang maximum tolerance. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here