MANILA, Philippines – Umakyat na sa 113 indibidwal ang naaresto ng Manila Police District (MPD) matapos ang marahas na anti-korapsyon rally kahapon sa Mendiola at Ayala Avenue sa Maynila.
Sa ulat ng MPD, 51 ang nahuli sa Ayala Bridge, 21 sa Mendiola at 41 sa CM Recto Avenue.
Karamihan sa kanila ay nahaharap sa kasong malicious mischief at paglabag sa Anti-Barricade Act, habang ang mga menor de edad ay nasa kustodiya ng Manila DSWD.
Samantala, nagsimula na rin ang mapping operation ng MPD sa University upang tiyakin ang seguridad ng mga paaralan, dormitoryo, at negosyo.
Ilan sa mga establisyimento na dinamay at sinira ng mga kabataang ralyista ang SOGO Hotel sa kahabaan ng Recto Avenue.
Nagkalat sa kalsada ang mga basag na bote at bato maging ang mga sinunog na mga motorsiklo at mga plakards. Jocelyn Tabangcura-Domenden