MANILA, Philippines – Patuloy na nakaalerto ang Philippine Coast Guard (PCG) upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero at seafarers sa mga pantalan.
Ngayong umaga, naglabas ang PCG ng kanilang Maritime Safety Advisory kaugnay pa rin ng epekto ng bagyong Nando.
Mula alas-dose ng hatinggabi hanggang alas-kuwatro ng madaling araw kanina, apektado pa rin ang 16 na pantalan sa iba’t ibang rehiyon.
Sa Southern Tagalog, kabilang dito ang Real Port, Port of Lucena, Port of Alabat, Isla Verde, Tingloy Port, Bauan, Lemery, Balayan, Balanacan Port, Caba, at Aringay.
Sa North Western Luzon, nakabantay ang PCG sa Sual, Lingayen Gulf Magsaysay Port, at Labrador.
Sa Northeastern Luzon, apektado rin ang PPA-Casiguran at Mahatao Shelter Port.
Batay sa ulat ng PCG, may 105 pasahero at crew, kasama ang 15 rolling cargoes, 4 vessels at 28 motorbancas ang stranded.
Samantala, 44 vessels at 14 motorbancas ang kasalukuyang nagsisilong upang makaiwas sa peligro dulot ng malakas na bagyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden