MANILA, Philippines – Nasunog ang isang residential building kung saan dalawang indibidwal na-trap ang matagumpay na narescue sa Binondo, Maynila.
Isa ring 21 anyos na lalaki ang iniulat na sugatan sa insidente.
Sa ulat, nagsimula ang sunog sa gusali na “Eng Hong” na matatagpuan sa Dasmarinas St. at T. Pinpin St. sa nasabing lugar.
Sa kasagsagan ng malakas na apoy, dalawang tenant ang na-trap sa gusali ngunit hindi nag-atubili ang mga fire fiighters at rescuers na ilgtas ang mga ito sa kabila ng panganib na kanilang kakaharapin.
Matagumpay namang nailigtas ang dalawang tenant o residente sa pagsisikap ng BFP at ilang volunteers.
Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na nagsimula pasado alas 9 ng gabi ng Lunes at tuluyang naapula alas 2:37 ng madaling araw ng Martes.
Patuloy pang inaalam ng BFP ang sanhi ng sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden