Home HOME BANNER STORY TD papasok ng PAR, tatawaging ‘Opong’

TD papasok ng PAR, tatawaging ‘Opong’

356
0

MANILA, Philippines – Isang Tropical Depression ang binabantayan ng PAGASA na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong hapon at tatawaging ‘Opong’, ang ika-15 bagyo na pumasok sa PAR ngayong taon.

Huling namataan ang Tropical Depression sa layong 1,075 km East ng Eastern Visayas na may lakas ng hanging 55 km/h malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 70 km/h, at central pressure na 1006 hPa.

“The tropical depression (TD) is forecast to move generally westward for the next 36 hours and will enter the Philippine Area of Responsibility (PAR) this afternoon or evening and will be given a local name “OPONG,” ayon sa 11 am advisory ng PAGASA.

Dagdag pa ng PAGASA, inaasahang tatawid ang TD sa bahagi ng Southern Luzon.

“This weather disturbance will steadily intensify while over the Philippine Sea and may reach tropical storm category by tomorrow (Setyembre 24). Further intensification is not ruled out,” dagdag ng PAGASA.

Maaaring itaas ang Signal No. 2 sa mga bahagi ng Southern Luzon at Eastern Visayas, at posible ang Signal No. 3 sa ilang lugar kung lalong tumindi ang TD, ayon sa PAGASA.

Samantala, maaaring maitaas ang Signal No. 1 sa Eastern Visayas bukas.

Ang TD ay inaasahang lalabas ng PAR sa Sabado ng gabi. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here