BULACAN, Philippines – Arestado ang dalawang lalaking suspek sa pangwawasak, panloloob at pagnanakaw sa isang condominium unit sa bayan ng Marilao sa kasagsagan ng malawakang protesta kontra korapsyon nitong tanghali ng Setyembre 21.
Sa report ni PLTCOL Jordan Santiago, Acting chief of police ng Marila police station, kinilala ang mga suspek na sina alyas Erning, John Lloyd at kasabwat umanong buyer na si alyas Romulo.
Ayon sa report, nangyari ang insidente bandang 1:00 ng tanghali sa isang condominium unit sa Brgy. Abangan Sur.
Napagalamang sumabay ang insidente nang panloloob sa kasagsagan ng anibersaryo ng pagdaeklara ng martial law at malawakang protesta kontra korapsyon sa Kamaynilaan na nauwi sa kaguluhan kalaunan.
Lumalabas sa imbestigasyon, sa katanghaliang tapat ay winasak umano ni alyas Erning at alyas John Lloyd ang door knob ng condo unit at kinuha ang dalawang cellphone na halagang P15,992.00, Redmi 13 na P8,800.00, P17,000.00 cash at mabilis na tumakas.
Sinasabing ibinenta ng mga suspek ang kanilang mga nakulimbat sa kanilang kasabwat na si alyas Romulo.
Sa ikinasang hot pursuit operation ay naaresto ang tatlong suspek na itinuro ng saksi at matagumpay na nabawi ang mga cellphone, anim na bank cards at Id.
Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakapiit sa naturang istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)