Home ENTERTAINMENT Ate Gay, pinag-pray over sa Klownz!

Ate Gay, pinag-pray over sa Klownz!

394
0

Manila, Philippines – Pinangunahan ng host ng Eat Bulaga na si Allan K ang pagpe-pray over kay Ate Gay sa entablado ng Klownz Comedy Bar.

Si Allan K din ang may-ari ng nasabing establismyento.

On mic, inanyayahan ni Allan K ang ibang standup comedians on stage at maging ang audience na sabay-sabay na ipag-pray over si Ate Gay na nakaupo sa gitna ng stage.

“In Jesus’ name, you will be healed, Ate Gay!” sigaw ni Allan K na napapalibutan nina Jose Manalo, Wally Bayola at iba pang standup comedians.

Si Ate Gay–o Gil Morales sa totoong buhay–ay na-diagnose ng Stage 4 cancer.

Tinaningan na siya ng kanyang doktor na hindi na raw siya aabutin ng 2026, which is a little over three months from now.

Gayunpaman, buo ang pananampalataya ng komedyanteng nag-iimpersonate kay Nora Aunor at nakilala sa kanyang mga mash-ups na may himala.

After all, walang imposible sa Panginoon. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here