Home NATIONWIDE Pagsira sa mga dokumento sa DPWH, iniimbestigahan – DOJ

Pagsira sa mga dokumento sa DPWH, iniimbestigahan – DOJ

234
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang mga ulat ng pagsira at pakikialam ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga dokumento na may kaugnayan sa mga maanomalyang flood control projects.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi pa matukoy ng kanyang ahensya kung sino ang maaring mag-utos na sirain ang mga dokumento.

Ayon pa sa kalihim, tinitignan nila ang posibleng mas mataas ang nag-utos sa loob ng opisina ng DPWH.

Maari pa naman aniyang magkaroon ng kopya o duplicates ng nasabing mga dokumento.

Agad din aniyang magsasampa ng kaso ang DOJ.

Noong Lunes, kinasuhan ni DPWH Secretary Vince Dizon ng kasong administratibo si Baguio City District Engineer Rene Zarate dahil sa umano’y pakikialam o pagsira ng mga dokumento na may kaugnayan sa mga proyekto sa pagkontrol sa baha.

Nasuspinde rin si Zarate nang 30 araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here