MANILA, Philippines – Itinaas na ang Signal No. 1 sa tatlong lugar sa bansa kasunod ng paglakas ng Tropical Storm Opong.
Ayon sa 11 a.m. advisory ng PAGASA, nasa ilalim ng Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Huling namataan ang bagyong Opong sa layong 815 kilometro silangan ng northeastern Mindanao.
Kumikilos ito sa direksyong west-southwestward sa Philippine Sea sa bilis na 15 km/h.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 105 kilometro kada oras.
Inaasahang magla-landfall ang bagyong Opong sa Bicol Region pagsapit ng Biyernes ng hapon.
“OPONG will continue to intensify while over the Philippine Sea and may reach typhoon category before making landfall over Bicol Region. It will then weaken as it crosses the archipelago, although it will likely remain as a typhoon or severe tropical storm during the passage,” ayon sa PAGASA.
“It must be emphasized that heavy rainfall, severe winds, and storm surge may still be experienced in localities outside the landfall point and the forecast confidence cone,” dagdag pa.
Maaari namang lumabas ng PAR ang bagyong Opong sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga. RNT/JGC