Home NATIONWIDE 14 patay sa lake burst sa Taiwan dulot ng Super Typhoon Nando

14 patay sa lake burst sa Taiwan dulot ng Super Typhoon Nando

254
0

TAIWAN – Umabot na sa 14 ang nasawi kasunod ng lake burst sa Taiwan sa pananalasa ng Super Typhoon Nando.

Sa datos ng pamahalaan, sumabog ang barrier lake sa eastern Hualien county dahilan para ma-wash out ang tulay at rumagasa ang makapal na putik sa kalapit na bayan.

“It was like a volcano erupting…. the muddy floodwaters came roaring straight into the first floor of my house,” ayon kay Hsu Cheng-hsiung, 55, neighbourhood leader ng Kuang Fu township.

Sa ulat ni Lee Kuan-ting, Hualien County Government press official, 14 katao ang nasawi at 18 ang sugatan.

Sinabi rin ng National Fire Agency na mayroon pang 124 katao ang nawawala.

Ilang oras bago ang lake burst, marami pang mga tao ang nasa local supermarket at grocery store.

Samantala, sa buong Taiwan ay mahigit 7,600 katao ang inilikas dahil sa Super Typhoon Nando na may international name na Ragasa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here