Home ENTERTAINMENT Mika, na-call out, in-unfollow si Gela Alonte!

Mika, na-call out, in-unfollow si Gela Alonte!

338
0

Manila, Philippines – Kalat na ang tsika na in-unfollow daw umano ni Mika Salamanca ang dyowa ni River Joseph na si Gela Alonte.

Ito ay kahit sighted siya noon kasama ang ibang PBB housemates sa party ni Gela.

Si Gela ay may konek sa isang pulitiko at madalas na naba-bash dahil nasasama ang pangalan sa nepo babies na magarbo ang lifestyle na diumanoý isinasangkot sa katiwalian.

Sa kaso naman ni River, kahit naka-cancel na ito, never naman nitong iniwan ang kanyang girlfriend.

Hirit ng kibitzers, in-unfolow daw ni Mika si Gela dahil natatakot itong makansela dahil sa kinu-kol out ang asosasyon nito kay Gela.

May nakapansin na isang nagmamahadera na hindi lang pala si Mika ang nag-unfollow kay Gela kundi pati na si Esnyr.

Ito naman ang komento ng kibitzers sa nasabing development.

“Eh kung di cinall-out? HAHAHAHAHA.”

“Sana in real life din mga madam ha. Hindi yung for show lang.”

“Na call out kasi haha.”

“Louder! And unfollowing someone doesnt mean na hindi na friends yan, di natin alam off cam.”

“Sabay gawa ng dump account para dun na lang ipo-post mga party ganap ng ‘expensive’ group nila.”

“Natakot baka siya yung next na ma cancel”

“Alam nila binabantayan yung following at digital footprint ng mga ex-pbb collab HMs.”

Bukas naman ang pahinang ito sa panig nina Mika at Esnyr hinggil sa isyu. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here