MANILA, Philippines – Suspendido ang klase sa Huwebes, Setyembre 25, 2025 sa ilang lugar dahil sa banta ng Severe Tropical Storm Opong.
Sa Metro Manila, nagdeklara ng kanselasyon ang Malabon, Pasig, Quezon City, Taguig, at Valenzuela, kung saan sakop ang lahat ng antas at lilipat sa alternative learning ang kolehiyo.
Sa Luzon, walang pasok sa Aguilar, Urbiztondo at Santa Barbara, Pangasinan (Set. 25â26); Calumpit, Bulacan; Masantol, Pampanga; buong probinsya ng Laguna; Bacoor at Ternate, Cavite; San Juan at Alitagtag, Batangas; Alabat (Set. 25â26), Lucena City, at Mulanay, Quezon; Taytay, Rizal (Set. 25â27); Kâ12 sa Oriental Mindoro; buong Albay at Sorsogon; ilang bayan sa Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Romblon, at Marinduque; at Naujan, Oriental Mindoro.
Sa Visayas, suspendido rin ang klase sa Tuburan, Cebu; buong Biliran at Northern Samar; mga bayan ng Calbiga at Daram sa Samar; at Tacloban City sa Leyte. RNT