Home NATIONWIDE Lahar mula Bulkang Mayon, ibinabala sa hagupit ni Opong

Lahar mula Bulkang Mayon, ibinabala sa hagupit ni Opong

327
0
Photo by MJGuardz

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng lahar sa paligid ng Bulkang Mayon dahil sa malakas na ulan na dala ng Severe Tropical Storm Opong sa Bicol Region.

“DOST-PHIVOLCS thus strongly recommends increased vigilance and readiness of communities in pre-determined zones of lahar and related hazards,” ayon sa ahensya. Maaaring umagos ang mga naiwang pyroclastic deposits mula sa nakaraang pagsabog ng Mayon, partikular sa Miisi, Mabinit, Buyuan at Basud channels. Maaari ring maapektuhan ang ibang dalisdis at magdulot ng panganib ng pagbaha, paglilibing ng lupa, at pag-anod sa mga komunidad sa ibaba.

Kabilang sa mga lugar na nasa panganib ang Miisi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matanag, Basud at Bulawan channels sa Albay. Nanawagan ang Phivolcs sa mga residente at LGU na bantayan ang lagay ng ulan at magpatupad ng mga hakbang para maiwasan ang pinsala.

Ayon sa PAGASA, posibleng maging bagyo si Opong bago ito mag-landfall sa Bicol sa Biyernes, Setyembre 26, tatawid ng Southern Luzon, at lalabas ng PAR pagsapit ng Sabado. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here