MANILA, Philippines – Nanawagan si Ellis Co, anak ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co, na umuwi ang kanyang ama sa Pilipinas upang harapin ang mga alegasyon ng katiwalian kaugnay ng umano’y budget insertions at flood control scandal.
“Though I bear my last name, I’ve always tried to separate myself from that affiliation… I am deeply ashamed… I am not just speaking against a politician. I am speaking out against my father. And if this decision gets me disowned, I would rather face that consequence than watch millions of people suffer from his actions,” ayon kay Ellis sa isang mahabang pahayag sa Instagram.
Inamin niya na lumamig ang ugnayan nila ng pamilya nang pumasok sa politika ang kanyang ama at matagal na siyang nag-aagaw sa pagitan ng “prinsipyo at pamilya.”
Ipinagtanggol din niya ang kanyang fashion brand na .ARCHIVES, iginiit na itinayo ito nang mag-isa kasama ang mga lokal na designer at staff, at nanawagan na “spare the creatives” mula sa mga batikos.
Mariing itinanggi ni Zaldy Co ang mga paratang bilang “false and baseless,” ngunit nahaharap siya sa freeze order ng kanyang mga ari-arian at kanselasyon ng travel clearance. Inatasan na rin siya ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na makabalik sa loob ng 10 araw.
“To my father: come home and answer to the people. Have your time in court. People need answers,” giit ni Ellis. RNT