Home METRO Calayan, Cagayan nakasailalim sa delubyo

Calayan, Cagayan nakasailalim sa delubyo

298
0
(c) MDRRMC

MANILA, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Calayan, Cagayan nitong Miyerkoles, Setyembre 24 matapos ang pinsalang dulot ng Super Bagyong Nando.

Ayon kay LGU information officer Herbert Singun, inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang deklarasyon na magbibigay-daan sa paggamit ng 30% ng mahigit ₱13.5 milyon calamity fund, o katumbas ng halos ₱4 milyon, para sa relief at pagkukumpuni ng mga napinsalang pasilidad gaya ng munisipyo.

Nag-landfall ang bagyo sa Panuitan Island at nag-iwan ng mga residenteng walang bahay, nasirang bangka, at mga silid-aralan na nawalan ng bubong.

Tinatayang 70% ng 635 ektaryang palayan ang apektado habang napinsala rin ang 70% ng mga poste ng kuryente kaya walang suplay ng kuryente sa bayan.

Isang nasawi ang naitala—isang 42-anyos na barangay tanod sa Babuyan Claro matapos mabagsakan ng sanga ng puno. Kakulangan sa pagkain, tubig at pansamantalang matutuluyan ang pangunahing problema ng mga residente.

Magpapadala ang Cagayan Valley DRRMC ng 3,000 family food packs, 1,000 bottled water, apat na generator set, at 1,000 tarpaulin sheets para sa Calayan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here