Home NATIONWIDE Kampo ni Hernandez: 4 kasalukuyan, 2 ex-senador makakaladkad sa flood control mess

Kampo ni Hernandez: 4 kasalukuyan, 2 ex-senador makakaladkad sa flood control mess

268
0

MANILA, Philippines – Posibleng madawit ang apat na kasalukuyang senador at dalawang dating senador sa maanomalyang flood control projects, ayon kay Atty. Raymond Fortun, abogado ng dating Bulacan engineer na si Brice Hernandez.

Ayon kay Fortun, hindi pa kumpleto ang salaysay ni Hernandez at inaasahang may mas marami pang ilalantad mula sa computer at mga kahon ng dokumento na isinumite sa Senado at DOJ.

“Brice said Engineer Alcantara’s testimony was incomplete… he mentioned some names to me… Again, they were proponents of these projects,” paliwanag ni Fortun, sabay diin na hindi pa sila magbabanggit ng pangalan hangga’t walang ebidensya.

Tatlong senador na ang nadawit sa pagdinig—sina Jinggoy Estrada, Joel Villanueva at dating Senador Bong Revilla—ngunit itinanggi na nila ang paratang.

Kinumpirma naman ni Senate Blue Ribbon chair Panfilo Lacson na nakapagsumite na ng sinumpaang salaysay si Hernandez sa DOJ, habang nakatakdang magbigay ng pahayag si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.

Tinukoy ni Senador Erwin Tulfo si Bernardo bilang “susi” dahil umano sa kanya dumadaan ang alokasyon at pera. Iminungkahi rin niya na ilagay sa protective custody ng DOJ ang mga testigo upang makapagsalita nang malaya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here