Home SPORTS NorthPort magiging Pureblends sa Lunes – Marcial

NorthPort magiging Pureblends sa Lunes – Marcial

250
0

MATATAPOS na sa mga susunod na araw ang pagbebenta ng prangkisa ng NorthPort sa Pureblends Corporation.

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na ang pormal na pagbebenta ay maaaring makumpleto bago ang Lunes, dahil naghihintay na lamang ang liga ng ilang papeles bago isapinal ang pag-apruba.

“Bago mag-Monday. Halos done deal na. ‘Yung mga papeles na lang,” ani Marcial.

“By Monday, alam ko, tapos na ‘yun. Papers na lang pinag-uusapan,” dagdag pa nito.

Nakatakdang kunin ng Pureblends Corporation ang prangkisa ng Batang Pier na nagsimula sa PBA noong 2012-13 season.

Para sa Media Day ngayong season kung saan 12 koponan ang naroroon para sa mga photo shoot at mga panayam, gayunpaman, ang mga manlalaro ay nakasuot pa rin ng NorthPort na orange at puti.

“Mamaya NorthPort. Pero sa opening, baka iba na ‘yun,” banat ni Marcial.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here