BATANGAS, Philippines – Dead-on-arrival sa pinaka malapit na pagamutan nang matagpuan ang isang babae na hinihinalang binaril ng hindi nakikilalang salarin kaninang madaling-araw sa kahabaan ng Spine Road Barangay Sta Anastacia, sa lungsod ng Sto. Tomas, Batangas.
Ang biktima na wala ng buhay ng dalhin sa St. Cabrini Medical Center sa Sto Tomas City, Batangas hinggil sa tinamong tama ng bala sa parte ng katawan na nakilala sa Alyas Kimberly.
Base sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen dakong ala-1:35 kaninang madaling-araw nang matagpuan ng security guard ang isang kulay puting Isuzu MU-X na may plakang NGB -2137 na nakaparada sa nasabing lugar.
Napag-alaman na, kaagad na ipinagbigay alam sa mga awtoridad kung saan nang siyasatin ng mga awtoridad ay natagpuan ang biktima sa loob na walang malay at duguan sa bandang driver side ng Isuzu MU-X, ang biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan subalit idineklarang patay na ang biktima.
Samantalang, patuloy ang imbestigasyon ng Sto Tomas City Police Station hinggil sa natagpuang babae sa loob ng sasakyan at inaalam ang pagkakakilanlan ng taong responsable sa pagkasawi ng biktima. /Ellen Apostol