Manila, Philippines – Pagkatapos ng matagal na panahong pananahimik ay nagparamdam na rin sa wakas si Angel Locsin.
Ito’y nangyari recently sa gitna ng kaliwa’t kanang kilos protesta ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng bansa para ikundena ang talamak na korapsyon sa pamahalaan.
Itinuturing na “Darna” sa totoong buhay, nagsimulang mag-lie low sa limelight ang aktres buhat nang magpakasal sila ng negosyanteng si Neil Arce.
Very active at visible noon si Angel–na gumanap bilang Darna sa GMA–lalo na tuwing mananalanta ang kalamidad sa bansa.
Pero sa kanyang official Facebook page ay may tagos-sa-pusong post ang aktres.
Post ni Angel na may hashtag na @stopthecorruption: “Ang sa amin, galing sa hirap…ang inyo, galing sa mahihirap!”
Angel’s post is deemed as her way of contributing her share in an attempt to curb the corrupt practices in the government.
Wala man si Angel physically sa rally sa Luneta o sa EDSA Shrine o sa People Power Monument, kaisa naman siya ng bawat Pilipino na labanan at sugpuin ang korapsyon. Ronnie Carrasco III