Home METRO 8 Tsino huli sa iligal na pagmimina sa Isabela

8 Tsino huli sa iligal na pagmimina sa Isabela

304
0

DINAPIGUE, Isabela – Walong Chinese national ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) at iba pang law enforcer ng pamahalaan dahil sa ilegal na pagmimina ng ginto sa Sitio Dimakawal, Barangay Bukal Norte, Dinapigue, Isabela.

Pinangunahan ang operasyon ng BI Intelligence Division (ID) Regional Intelligence Operations Units (RIOU) sa Cordillera Administrative Region, Regions 2 at 3, at BI-ID Main Office, sa koordinasyon ng Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation–Isabela District Office, Philippine Navy, Philippine Army, Dinapigue Isabela Police Station, at iba pang government intelligence forces.

Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., nag-ugat ang pag-aresto matapos makatanggap ng intelligence report na sangkot ang mga dayuhan sa pagmimina ng copper at ginto sa lugar.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na mananatili pansamantala sa detention facility ng BI ang mga ito habang inaasikaso ang kanilang pagpapabalik sa kani-kanilang bansa.

Ang mga dayuhan ay lumabag sa Philippine Immigration Act of 1940 dahil sa pagtatrabaho nang walang working permit o visa, at dahil hindi dokumentado ang kanilang pagpasok sa bansa.

Samantala, ang naturang minahan ay nababalot ng kontrobersiya dahil sa matinding pinsalang idinulot nito sa mga kabundukan at kalikasan, bagay na mariing tinutuligsa ng mga residente sa lugar. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here