Home METRO P96.5-M flood control project ng Discaya, natuklasan sa DavOcc

P96.5-M flood control project ng Discaya, natuklasan sa DavOcc

377
0

MANILA, Philippines – Isang flood control project na nagkakahalaga ng ₱96.5 milyon sa Jose Abad Santos, Davao Occidental ang natuklasang nagsimula pa lang ang konstruksyon tatlong linggo ang nakalipas, kahit idineklara na itong “completed at fully paid” noon pang 2022, ayon sa ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) nitong Huwebes.

Personal na ininspeksyon ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, special adviser ng ICI, at ni DPWH Secretary Vince Dizon ang lugar at idineklara itong “ghost project” at isang “crime scene,” dahilan para ipatigil agad ang trabaho.

Ang kontratista, St. Timothy Construction Corp., ay kabilang sa siyam na kompanyang hawak o kontrolado nina Curlee at Sarah Discaya, na nasa sentro ngayon ng imbestigasyon ng Senado sa malawakang korapsyon sa public works projects. Binawi ang lisensya ng kompanya noong Setyembre 1.

Hinimok ni Dizon ang mga opisyal na sangkot sa kaparehong proyekto na “lumantad na ngayon,” kasabay ng babala na kaya niyang ipatanggal ang lahat ng district engineer kung kinakailangan. “I don’t care if every DE in the Philippines is gone. If it’s necessary, we will remove every one of them,” aniya.

Patuloy ang nationwide inspections ng ICI na dati nang nakadiskubre ng kahina-hinalang flood control projects sa Pampanga at Maynila. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here