Home HOME BANNER STORY Politiko iba-ban ng DSWD sa cash aid distributions

Politiko iba-ban ng DSWD sa cash aid distributions

303
0

MANILA, Philippines – Maghahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng bagong panuntunan para ipagbawal ang presensya ng mga politiko sa pamamahagi ng ayuda, upang hindi magamit ang programa para sa pulitikal na interes.

Ayon kay Undersecretary Adonis Sulit, isasama sa amendments ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) guidelines ang pagbabawal sa mga politiko at pamimigay ng campaign materials sa payout events.

Samantala, kinumpirma ng ahensya na malaki ang bawas sa pondo ng crisis programs sa 2026 budget.

Wala nang alokasyon ang ₱26-bilyong Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), habang bababa naman mula ₱44.7 bilyon ngayong taon tungo sa ₱27 bilyon sa 2026 ang pondo ng AICS—bawas na maaaring makaapekto sa pitong milyong benepisyaryo.

Nilinaw ni Sulit na ang pagbawas ay dahil sa recalibration ng Department of Budget and Management (DBM) at hindi dahil sa underspending.

Sa kabila nito, ibabalik sa buong halaga ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa ₱100.4 bilyon, habang palalawakin ang Supplementary Feeding Program para sa 1.89 milyong bata na may dagdag na ₱930 milyon. Maglalaan din ang DSWD ng ₱3.1 bilyon para sa ICT infrastructure.

Ipinagtanggol ni Sulit ang track record ng ahensya, na may 97.87% obligation rate noong 2024 at 83% nitong Agosto 2025. “Ang DSWD is not in the business of saving the funds but to implement the programs,” aniya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here